Sign Up Sosyalan - Filipino helps you connect and share with the people in your life.

Ibang - Iba Talaga ang Pinoy!

Sabi nila, masayahin daw ang mga Pilipino. Sa gitna ng hirap at problema, ayun, nakangiti pa rin. Maging ang mga dayo ay naaaliw sa paguugaling Pinoy na ito. Masaya nga raw tayo kasama.
Parang walang mga problema sa buhay. Pagmasdan mo na lang iyong mga kumakaway sa kamera habang ang kanilang bahay ay nilalamon na ng apoy o binabayo ng malakas na bagyo. Saan ka pa nga ba makakakita ng ganyang imahe kundi rito lang sa Pinas.
Hindi man singyaman o kasing komportable ang buhay natin tulad ng mga nakatira sa bansang Norway, Denmark, at Australia na tinaguriang pinakamasasayang bansa sa buong mundo dahil sa ganda ng takbo ng kanilang ekonomiya, sistema ng edukasyon at pangkalusugan, at kapaligiran, nagagawa pa rin nating mabuhay ng masaya at kontento sa buhay. Kahit na nga ba ang maituturing na pinakamaya mang rehiyon sa ating bansa ay pinakamahirap lamang na maituturing sa bansang Tsina, ang mga Pinoy ay hindi pa rin nawawalan ng pagasa o nananatiling umaasa ng mas magandang kapalaran sa buhay.

Ayon nga sa resulta ng MasterCard survey pagdating sa Ethical Spending na isinagawa mula noong September 13 to November 11, 2011, lumalabas na nangunguna ang mga Pinoy bilang "charity givers" sa bu ong Asya at Aprika. Tinalo natin sa kategoryang ito ang Hong Kong, Malaysia, at Indonesia.

Kung iisipin, medyo nakakagulat nga ang resulta ng survey sapagkat hindi hamak na mas mayaman naman ang mga nabanggit na mga bansa kumpara sa Pilipinas.

Ngunit, naungusan pa rin natin sila. Malaking bagay marahil ang malakas na pananampalataya nating mga Pilipino sa Diyos. Bilang Katoliko, malaking ba gay sa atin ang pagiging mapagbigay at mapagmahal, mga aral na itinuturo sa atin upang maging isang mabuting Katoliko.

Isang maaari pang dahilan nito ang ating sariling karanasan ng paghihirap.
Sapagkat naranasan natin, kaya't alam natin ang pakiramdam ng nangangailangan ng tulong sa kapwa. Ang natural na mararamdaman ay mahabag na maaaring maging dahilan upang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan ng tulong.

Habang iyong mga sanay sa karangyaan o nabubuhay sa karangyaan ay maaaring nakatuon sa sarili nilang pangangailangan katulad ng pagpapalago ng kanilang yaman o maaari ring kulang ang kanilang karanasan sa imahe ng kahirapan.

Kakaiba talaga ang mga Pinoy. Kakaiba ang ating handog sa mundo. At kung gagamitin natin ang positibong enerhiyang ito upang tulungan ang ating bayan, mas magandang Pilipinas ang ating masisilayan.

Kayo bakit nakakaiba ang mga PINOY?
Topics: pinoy
All times are GMT +8. The time now is 7:47 am.